Natapos kahapon sa Thailand ang dalawang linggong magkasanib na pagsasanay laban sa terorismo ng mga special force ng hukbong panlupa ng Tsina at Thailand na may codename na "Strike 2013." Ito ang ikaapat na ganitong pagsasanay ng dalawang panig. Kapwa nila ikinasisiya ang resulta ng kasalukuyang pagsasanay, at umaasa silang maipagpapatuloy ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa sa mga larangan ng paglaban sa terorismo at iba pa.
Ipinahayag ng komander na Tsino sa pagsasanay na sa pamamagitan ng pagsasanay, nadagdagan ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan ng mga tropang Tsino at Thai, napalalim ang kanilang pagkakaibigan at pagtutulungan, at napalakas ang kakayahan sa magkasamang pagharap sa banta ng terorismo. Umaasa siyang mapapanatili ang ganitong kooperasyon ng dalawang tropa, at mapapalalim pa ang lebel ng kooperasyon.
Ipinahayag naman ng komander na Thai sa pagsasanay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito ang kooperasyong militar ng Thailand at Tsina laban sa terorismo. Umaasa rin siyang mapapalalim ang kooperasyon ng dalawang tropa, halimbawa maitatatag ang mekanismo ng pagdadalawang militar at pagpapalitan ng mga opisyal militar ng dalawang bansa.