Ipinahayag kahapon ng Lupong Elektoral ng Thailand na patuloy nito pasusulungin ang pagdaraos ng halalan ng mababang kapulungan sa nakatakdang petsa na ika-2 ng Pebrero ng susunod na taon.
Winika ito ng tagapangulo ng Lupong Elektoral pagkatapos ng pakikipag-usap ng limang miyembro ng lupon kay Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker cabinet ng Thailand. Aniya pa, ipinalalagay ng kapwa panig na mahalagang mahalaga ang pagdaraos ng naturang halalan, at dapat pantay-pantay na idaos ang halalan.