Sa pagtataguyod ng panig Tsino, idinaos kamakalawa sa Jerusalem ang talakayan hinggil sa kapayapaan ng Palestina at Israel. Lumahok sa talakayan si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, at ang mahigit 20 personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng Palestina at Israel.
Ipinahayag ni Wang na ang kasalukuyan ay masusing yugto ng talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel. Dapat aniya magkaroon ang mga personahe ng dalawang bansa ng komong palagay at komong posisyon, para kumatig sa talastasan.
Inilahad naman ng mga kinatawang Palestino at Israeli ang kani-kanilang paninindigan sa pagsasakatuparan ng kapayapaan ng dalawang bansa.