Sinabi kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na posibleng malutas ang isyung nuklear ng Iran, kaya nanawagan siya sa Kongreso na huwag pasulungin ang bagong round ng sangsyon laban sa Iran.
Sinabi ni Obama na narating noong isang buwan ang unang yugtong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, at ang pinakamahalaga sa kasalukuyan ay pagsubok ng katapatan ng Iran. Aniya pa, mabisa pa ang mga isinasagawang sangsyon laban sa Iran, at hindi kailangang magpataw ng mga bagong sangsyon.
Pero, dagdag pa niya, kung lalabag ang Iran sa nabanggit na kasunduan o mababagsak ang pinal na talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran, makikipagtulungan siya sa Kongreso na agarang isagawa ang mga mas mahigpit na sangsyon laban sa Iran.