Kaugnay ng kalalabas na national security strategy, bagong defense program guidelines at mid-term defense buildup plan ng Hapon, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Geng Yansheng ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na, sa tatlong dokumentong ito, muling ginagamit ng Hapon ang pangangatwiran ng pangangalaga sa sariling seguridad at kapayapaan ng rehiyon para sa ekspansyong militar. Ito aniya ay lubos na tinututulan ng Tsina.
Sinabi ni Geng na sa isang banda, sinasabi ng Hapon na ito ay isang bansang mapagmahal sa kapayapaan, at ang mga patakaran nito ay para lamang sa depensa; pero sa kabilang banda, iniharap ng Hapon sa nabanggit na mga dokumento ang plano ng pagsususog sa mga prinsipyo sa pagluluwas ng sandata, pagbili ng mga maunlad na kagamitang militar, at pagbuo ng mga lakas na pansalakay. Ani Geng, ang mga ito ay nagdudulot ng pangangamba ng mga bansang Asyano at komunidad ng daigdig sa tunguhin ng patakarang militar ng Hapon.
Dagdag pa ni Geng, laging pinabulaanan ng Hapon ang kasaysayan ng pananalakay nito noong World War II, hinahamon ang pandaigdig na kaayusan pagkatapos ng digmaan, at ninilkha ang tensyon at kaguluhan sa rehiyong ito. Aniya, ang mga ito ay di-responsableng aksyon para sa kapayapaan at katatagan ng Silangang Asya at maging sa buong daigdig.