Tinanggihan kahapon ni Riaz Mohammad Khan, mahistrado ng Mataas na Hukuman ng Islamabad, Pakistan, ang kahilingan na iniharap ni dating Presidente Pervez Musharraf na litisin ng hukumang militar ang mga akusasyon laban sa kanya. Ipinahayag din ng mahistrado na ang espesyal na hukuman ay angkop sa legal proceedings, at mayroong itong kapangyarihan para dinggin ang kasong treason na isinampa laban kay Musharraf.
Noong ika-17 ng nagdaang buwan, opisyal na pinasumulan ng panig opisyal ng Pakistan ang proseso ng pagsasampa ng kasong treason laban kay Musharraf. Pagkaraan nito, itinatag ang isang espesyal na hukuman na binubuo ng 3 miyembro. Sinabi ng legal experts na kung mapapatunayang magkasala, posibleng mahatulan si Musharraf ng kamatayan o pagkabilanggo nang habambuhay.
Salin: Li Feng