|
||||||||
|
||
Sa kanyang mensahe ngayong Kapaskuhan ng 2013, ginunita niya ang kasaysayan ng Pasko at ang paghahanap ng tatlong haring mago sa Mesiyas.
NAGPAALAM na si Chinese Ambassador Ma Keqing kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kahapon. Naganap ang kanilang pag-uusap sa Music Room ng Malacanang. Magtatapos na ang paglilingkod ni Ambassador Ma sa Pilipinas sa huling araw ng Disyembre. (Gil Nartea/Malacanang Photo Bureau)
Binanggit ni Pangulong Aquino na tuwing sasapit ang Pasko, ito ang isa sa pinakamahirap na panahon para sa overseas Filipinos dahilan sa pagkakawalay sa kanilang mga mahal sa buhay. Bagaman, idinagdag niya na "iisang lahi pa rin tayong nagdiriwang tuwing Pasko; saanman tayo mundo, iisang pamilya pa rin tayong mga Pilipino."
BINATI ni Pangulong Aquino si Ambassador Ma Keqing na dumalaw at nagpaalam kahapon sa pagtataos ng kanyang paglilingkod sa Pilipinas. Sa kanyang panunungkulan sa Pilipinas, ginawa niya ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.(Rodolfo Manabat/Malacanang Photo Bureau)
Nakita na ang kakayahang nakaligtas mula sa mga serye ng mga pagsubok tulad ng lindol sa Bohol at ng bagyong "Yolanda." Sa likod ng mga pangyayaring ito, hindi pa rin mapipigilan ang pagbangon ng mga mamamayan.
Nanawagan siya sa madla na gawin lamang ang magagawa at ipagpasa-Diyos na ang nalalabing pangangailangan sapagkat tiyak na magkakaroon din ng katugunan. Binigyang-diin din niya ang pangangailangang maging mapag-aruga sa kapwa sapagkat isa rin ito sa mensahe ng Kapaskuhan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |