|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalaw sa Palo, Leyte, sinabi ni Arsobispo Tagle na nakausap niya ang isang nakaligtas sa trahedya at nagsabing sa pinsalang idinulot ng bagyo, ito umano ang pagkakataong maunawaan at maipagdiriwang ang tunay na kahulugan ng Pasko.
Ani Cardinal Tagle, ang unang Pasko ay kinakitaan ng kapayakan, ng pagiging simple subalit kinatagpuan ng pagsilang sa isang sabsaban ng Anak ng Diyos tulad ng binanggit ng Propetang si Isaiah.
Ang Pasko ngayong 2013 ay isang Pasko na may pakikiisa sa mga nagtitiis. Magaganap lamang ito kung mayroong tapat na pagninilaw, pagbabalik-aral sa mga pinahahalagahan, pagsasaad ng mga prayoridad at pangangako sa Diyos, sa kapwa, bansa at nilikha namagiging mabubuting mamamayan.
Idinagdag pa niya na itinuturo ng mga nakaligtas sa sunod-sunod na trahedya kung paano makita ang Diyos ng may pag-asa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |