|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng pamahalaang Hapones ang desisyong dagdagan ang military expenditure budget sa 2014 Fiscal Year. Hinggil dito, pinuna ng media at partidong oposisyon ng Hapon na ang naturang aksyon ng pamahalaan ay posibleng lalo pang makasisira sa katatagan ng rehiyong ito.
Ngayong araw, nagpalabas ang Hokkaido Shimbun Press ng komentaryo na nagsasabing, sa katwiran ng pagpapalakas ng kakayahan ng tanggulan at paghaharap ng aktbidad ng Tsina sa dagat, sunud-sunod na daragdagan ng pamahalaan ng Hapon ang military expenditure. Ang aksyong ito ay posibleng magdudulot ng mas maigting na relasyon sa pagitan ng Hapon at mga kapitbansa nito.
Ipinalabas ng Akahata, opisyal na pahayagan ng Partidong Komunista ng Hapon, ang komentaryo na nagsasabing ang naturang aksyon ng pamahalaang Hapones ay naglalayong magiging isang bansa na handang makipagdigma sa labas ng bansa. Ipinalalagay ng Akahata na ang aksyong ito ay posibleng lalo pang magpalala ng kalagayan sa Silangang Asiya at lumabag ng pacifism, kaya dapat itigil ang aksyong ito.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |