Natapos kamakailan ang Tsina, Laos, Myanmar, Thailand ng kanilang ika-17 magkakasamang pamamatrolya sa Mekong River.
Sa apat na araw na pamamatrolya, ang mga bapor ng nasabing apat na bansa ay nagsagawa ng magkakasamang pagsasanay sa pagpapatupad sa batas laban sa pagpupuslit ng droga at ibang mga krimen.
Sinimulan ang magkakasamang pamamatrolya ng apat na bansa sa kahabaan ng Mekong River noong Disyembre, 2011. Sapul noon, 142 bapor at mahigit 2,600 tauhan na ang naipadala ng apat na bansa para lumahok sa magkakasamang pamamatrolya.
Salin: Jade