Ipinalabas kamakailan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang "Plano para mapabuti ang sistema ng pagpapataw ng parusa at pag-iwas sa korupsyon para sa taong 2013 hanggang 2017."
Ayon sa planong ito, sa susunod na 5 taon, gagawing priyoridad ang imbestigasyon sa mga namumunong tauhan at mga personel sa pagpapatupad ng batas; mahigpit na iimbestigahan ang mga kaso ng paglabag sa disiplina ng CPC, at pabibigatin ang parusa sa mga kaso ng korupsyong nagdulot ng mass disturbances, insidenteng dahil sa negligence at pagtanggap ng suhol mula sa mga prisadong kompanya.
Sa isang taon pagkatapos idaos ng ika-18 na Pambansang Kongreso ng CPC, inimbestigahan at pinarusahan ang 16 na opisiyal ng Tsina sa antas ng Ministro o Puno ng Lalawigan sa pataas.
salin:wle