Ipinahayag kahapon ng National Anti-Corruption Commission ng Thailand, na nakuha nito ang sapat na katibayan para mapatunayan ang pagpapabaya sa tungkulin nina Somsak Kiatsuranont, dating Pangulo ng Pambansang Asembleya at Ispiker ng Mababang Kapulungan, at Nikom Wairatpanij, dating Pangalawang Pangulo ng Pambansang Asembleya at Pangulo ng Mataas na Kapulungan, sa pagpapasulong ng amendment ng Konstitusyon.
Pero, hindi pa nagpapasya ang naturang komisyon kung isasakdal o hindi ang dalawang tauhang ito sa salang pagpapabaya sa tungkulin. Idaraos muna nito ang pagdinig sa kanila sa ika-10 ng susunod na buwan.
Salin: Liu Kai