Humupa kahapon ang kalagayan ng Thailand. Lumiit ang saklaw ng demonstrasyong kontra-gobyerno at maalwang tumakbo ang mga gawain ng paghahanda para sa halalan ng mababang kapulungan ng parliamento. Pero, ipinahayag ng grupong kontra-gobyerno na idaraos nila ang bagong malawakang demonstrasyon pagkatapos ng bakasyon ng Bagong Taon.
Kahapon naman ay huling araw para sa pagpapatala ng mga kandidato sa halalan ng mababang kapulungan ng Thailand. Ayon sa estadistika, 45 partido ang nagharap ng listahan ng kani-kanilang mga kandidato sa Lupong Elektoral.
Sa kasalukuyan, gusto ng caretaker cabinet ng Thailand na idaos ang halalan ng mababang kapulungan sa nakatandang petsa na ika-2 ng Pebrero ng susunod na taon. Pero, hinihiling ng partidong oposisyon na ipagpaliban ang halalang ito.