Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Marie Harf ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na makikipag-usap sa linggong ito si John Kerry, Kalihim ng Estado, sa mga lider ng Israel at Palestina, para talakayin ang balangkas na kasunduan ng talastasang pangkapayapaan.
Sinabi ni Harf na ang nabanggit na balangkas na kasunduan ay sasaklaw sa lahat ng nukleong paksa ng talastasan hinggil sa pinal na katayuan ng Israel at Palestina. Ito aniya ay magiging dokumentong pampatnubay sa talastasang pangkapayapaan ng dalawang bansa, at makakabuti rin sa pagpapasulong ng talastasan.
Salin: Liu Kai