|
||||||||
|
||
ANG patapos na taon ay isang mahalagang taon para sa mga Pilipino sapagkat kinakitaan ng kakayahang mamuno ni Pangulong Aquino. Higit na tumibay ang kanyang pamumuno sa lumabas na resulta ng midterm elections noong nakalipas na Mayo.
Ito ang pahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Atty. Abigail Valte bilang pagsusuri sa patapos na taon. Idinagdag niya na hawak ang long-term vision ng mas maunlad at matatag na bansa, nakita ito ng buong daigdig.
Sa likod ng iba't ibang hamon, nakita ang sama-samang pagpupunyagi at tumayong magkakasama at malampasan ang anumang pagsubok. Ang mga pagkakataong ito ang dahilan ng paghanga ng iba't ibang bansa, dagdag pa ni Atty. Valte.
Makikita umano ang nagawa ng pamahalaan sa kanilang inihandang infographic na katatagpuan ng kaunlaran sa ekonomiya, pagpapalawak ng social services, pagpapayabong ng kapayapaan at seguridad, paglaban sa katiwalian at ang pagpapatupad ng ibayong reporma sa pamahalaan na pawang titiyak nang pagbangon ng madla sa mga trahedyang naganap sa patapos na taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |