Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, mabuway pa rin, sabi ng IBON

(GMT+08:00) 2013-12-31 17:28:44       CRI

SA likod ng mga papuring natamo ng Pilipinas dahilan sa kaunlaran sa ekonomiya, pagpasok ng kalakal mula sa ibang bansa at malalaking kalakal, bumabagsak pa rin ang bilang ng mga may hanapbuhay, tumataas ang bilang ng 'di magkatrabaho, lumalaking kahirapan at 'di na umunlad ng kita.

Pinaghahandaan ng administrasyon ang binagong economic development plan at industrial road maps sa Enero 2014. Subalit kung mananatiling pabor sa malalaking banyagang kalakal at malalaking negosyanteng Pilipino, hindi magkakaroon ng kaunlaran sa kalagayan ng mga mamamayan. Ang anumang kaunlarang matatamo ay papabor lamang sa mga mayayaman.

Sa pagsusuri ng Ibon Foundation, binanggit ng pamahalaan ang magandang performance sa ekonomiya sa pagkakaroon ng 7% kaunlaran sa Gross Domestic Product, kabilang na ang 7.4% sa unang tatlong quarter ng 2013.

Lumaki rin umano ang Foreign Direct Investment ng 33.3% na nagkakahalaga ng US$3.1 bilyon sa unang siyam na buwan ng 2013 mula sa US$2.3 bilyon noong 2012. Umabot din sa 114% growth ang foreign investment approvals sa unang siyam na buwan ng 2013 at nagkahalaga ng P 126.5 bilyon mula sa P 58.9 bilyon.

Tumaas din ang ranking ng Pilipinas sa Doing Business Report ng World Bank at natamo ang ika-108 puesto sa 2013 at mas mataas ng 30 bahagdan kaysa noong 2012. Ito rin ang napuna sa Global Competitiveness Report na naglagay sa Pilipinas sa ika-87 puesto sa 2013-2014 mula sa ika-114 noong 2010-2011. Natamo rin ang investment grade ratings ng Pilipinas mula sa tatlong major credit ratings agencies. Tumaas din ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange.

Sa likod ng mga kaunlarang ito, nawala naman umano ang national economic development at ang kabutihan at kaunlaran ng kabuhayan ng mas maraming mga Pilipino.

Malayo umano ang koneskyon ng kaunlaran sa pagkakaroon ng mas maraming hanapbuhay. Sa datos ng economic growth, ang employment ay nadagdagan lamang ng 317,000 o 0.8% noong 2013 kaysa sa 2012. Patuloy na bumagsak ang employment sa tatlong taong panunungkulan ni Pangulong Aquino mula sa 1.2 milyong trabaho noong 2011, bumagsak ito sa 408,000 noong 2012 at umabot na lamang sa 317,000 ngayong 2013. Ang job generation ngayon ang pinakamababa mula noong manungkulan si Pangulong Joseph Estrada noong 2000.

Ayon sa Ibon, mababa ang job generation sapagkat ang kaunlaran ay dahilan lamang sa real estate at construction boom. Maliit na bahagi lamang ito ng ekonomiya kahit pa may koneksyon ang finance at manufacturing na kumakatawan lamang sa 15-20% ng Gross Domestic Product. Nasa National Capital Region, Central Luzon at Calabarzon lamang ang 50 hanggang 75% ng kanilang mga operasyon.

Sa pagtataya ng Ibon, ang bilang ng walang hanapbuhay na mga Piliino ay umabot sa 4.5 milyon kahit pa ang official estimate at 2.9 milyon ang walang trabaho. Mayroon pa ring 7.3 milyon ang underemployed.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>