|
||||||||
|
||
TINATAYA ni Msgr. Clemente Ignacio, rector ng Basilica Minore of the Black Nazarene na aabot sa 12 milyon ang dadalaw at makikilahok sa kapistahan ng Itim na Nasareno mula Bagong Taon hanggang ika-siyam ng Enero, 2014.
Ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-siyam ng Enero at dinadaluhan ng milyun-milyong mga deboto mula sa buong bansa na lumalahok sa prusisyon ng walang sapin sa paa bilang pagtitika at pagsisisi at bilang pasasalamat sa mga biyayang tinanggap.
May siyam na milyong mga deboto ang lumahok sa prusisyon noong nakalipas na taon. Umabot sa tatlong kilometro ang ruta ng prusisyon mula Luneta hanggang sa Simbahan ng Quiapo at tumagal ng siyam na oras.
Patagong dinadala ang imahen ng Itim na Nazareno sa Luneta at doon sinisimulan ang pagdarasal ng magdamag. Susunduan ito ng Misa at prusisyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |