Pinagtibay kamakailan ng Union Solidarity and Development Party (USDP), naghaharing partido ng Myanmar na pinamumunuan ni Pangulong Thein Sein, ang isang resolusyon kaugnay ng pagsususog sa Konstitusyon. Batay sa resolusyon, maghaharap ang USDP ng proposal sa Magkasanib na Komite ng Paliarmento para sa Pagtasa sa 2008 Constitution ng bansa para susugan ang 73 na tadhana ng Konstitusyon.
Ayon sa nasabing Magkasanib na Komite, 28,000 mungkahi ang natanggap nila hinggil sa pagsususog ng 2008 Constitution hanggang kamakalawa, huling araw ng pagtanggap ng mga mungkahi mula sa mga departamento ng Pamahalaan, mga partidong pulitikal at mga samahang sibil ng bansa.
Isusumite ng Komite sa Parliamento ang ulat kaugnay ng mga mungkahi para sa pagtatalakayan bago magtapos ang buwang ito.
Salin: Jade