|
||||||||
|
||
Sinabi ni Fujita Takakage, Director-General ng Konseho ng Pagpapatuloy at Pagpapaunlad ng Murayama Talks ng Hapon na ang umano'y "positibong pacifism" na sinabi ni Abe ay walang kaugnayan sa kapayapaan; ito ay nangagnahulugang gusto nilang hawakan ang mga hidwaan sa pamamagitan ng lakas militar.
Ayon sa ulat ng TV station sa ilalim ng "Chosun Daliy" ng Timog Korea, parang palayo nang palayo ang pamahalaan ni Abe sa direksyon ng makakanang landas, sa kabila ng matinding pagtutol sa loob at labas ng bansa. At dahil dito, tiyak na ibayo pang lalala ang kaligaligan sa Hilagang-silangang Asya.
Pinuna din ang talumpati ni Abe ng mga media ng Thailand, Byetnam, Rusya at iba pang bansa.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |