Sa kanyang talumpati kahapon sa kalye sa Tokyo, sinabi ni Natsuo Yamaguchi, lider ng New Komeito Party, isa sa naghaharing koalisyon ng Hapon, na dapat pakinggan ni Punong Ministro Shinzo Abe ang tinig ng komunidad ng daigdig ng pagtutol sa kanyang pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine.
Sinabi ni Yamaguchi na pagkaraang magbigay-galang si Abe sa Yasukuni Shrine, nagpahayag ng pagtutol ang Tsina at Timog Korea, at nagpahayag naman ng pagkabahala ang Amerika, Rusya, at Unyong Europeo. Aniya, dapat maging bukas-loob si Abe sa mga palagay na ito, para hindi malayo sa karapat-dapat na landas.
Salin: Liu Kai