Sa preskong idinaos kahapon sa Washington DC, matinding kinondena ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, ang pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine. Nanawagan din siya sa mga bansang may sense of justice na huwag kalimutan ang aral sa kasaysayan.
Sinabi ni Cui na malinaw ang layuning pulitikal ng pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine. Ito aniya ay nagpapakita hindi lamang ng ideya ni Abe sa kasaysayan, kundi ng tunguhin rin ng patakaran ng kanyang administrasyon.
Tinukoy din ni Cui na si Abe ay minsang Chief Cabinet Secretary sa administrasyon ni dating Punong Ministro Junichiro Koizumi. Aniya, dapat buong linaw na malaman ni Abe ang pagiging mahalaga at sensitibo ng isyu ng Yasukuni Shrine sa relasyon sa pagitan ng Tsina at Hapon, at ng Timog Korea at Hapon, at ang grabeng resultang dinulot ng pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine.
Binigyang-diin ni Cui na hinding hindi papayagan ng komunidad ng daigdig ang pamumuno ni Abe sa Hapon sa maling direksyon, at hinding hindi tatanggapin ang pag-aalinlangan sa kaayusang pandaigdig na naitatag pagkatapos ng World War II.