Kaugnay ng mapanganib na kalagayan ng icebraker Xuelong ng Tsina na nagsasagawa ng misyon sa Antarctica, nagbigay-pansin dito kahapon sina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang. Hiniling nila sa iba't ibang may kinalamang panig na igarantiya ang kaligtasan ng mga taong sakay ng bapor at tulungan ito para makahulagpos sa kahirapan.
Nandoon sa Antarctica ang Xuelong, kasama ng isa pang icebraker ng Australya, para iligtas ang isang bapor ng Rusya na na-stranded doon. Nauna rito, matagumpay nilang inilikas ang lahat ng 52 pasahero sa naturang bapor na Ruso. Pero pagkaraan, nabarahan ang Xuelong ng isang malaking iceberg. Sa kasalukuyan, hinihintay ng bapor na ito ang magandang pagkakataon para makaalis sa iceberg.