Ngayong araw ay ika-66 na Araw ng Kasarinlan ng Myanmar. Sa kanyang mensahe bilang pagdiriwang sa okasyong ito, nanawagan si Pangulong Thein Sein sa mga mamamayan ng iba't ibang etniko ng bansa na magkakasamang magsikap para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan.
Sinabi ni Thein Sein na sa kasalukuyan, natapos na ang armadong sagupaan sa pagitan ng iba't ibang grupong etniko ng Myanmar, at ito ay pinakamagandang panahon para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa. Aniya, nagsisikap ang pamahalaan para maisakatuparan ang komong pag-unlad ng iba't ibang lugar at komong pagbuti ng pamumuhay ng lahat ng mga mamamayan.