Ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang lider na Hapones na tumpak na pakitunguhan ang makatarungang panawagan ng komunidad ng daigdig at aminin ang kamalian nito.
Ayon sa ulat, noong ika-6 ng Enero, sa kanyang pakikipag-usap kay Natsuo Yamaguchi, Presidente ng New Komeito Party ng Hapon, nanawagan si Salman Khurshid, Ministrong Panlabas ng Indya sa Hapon na tanggapin ang pagbatikos mula sa Tsina, Timog Korea, Estados Unidos at Britanya at pumulot ng aral mula sa kasaysayan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Hua na ang ginawa ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon ay naka sugat sa damdamin ng mga mamamayan ng biktimang bansa ng World War II at nakatawag ng dumaraming pagbatikos at kondemnasyon mula sa komunidad ng daigdig.