Nanawagan kahapon ang Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand sa mga demonstrator na magprotesta nang mapayapa at ipinangako rin niyang komprehensibong patitingkarin ng kanyang pamahalaan ang tungkulin kasabay ng pagbibigay niya ng pangakong komprehensibong patitingkarin ng kanyang pamahalaan ng Bangkok.
Bukod dito, ikinabahala rin ni Punong Ministrong Yingluck Shinawatra na baka pasukin ng ika-3 puwersa ang aksyong "Occupy Bangkok" na isasagawa ng grupong oposisyon sa Lunes. Sabi niyang kung may magaganap na ang anumang karahasan sa panahon ng pagsasagawa ng nasabing aksyon, pananagutan nila iyon ni Suthep Thaugsuban, lider ng demonstrasyong kontra sa pamahalaan. Samantala, magbubukas ang Center for the Administration of Peace and Order ng Thailand ng isang opisina sa punong himpilan ng royal police para mahigpit na subaybayan ang mga may kinalamang kalagayan. Bukod dito, pananatilihan ng Thai caretaker government ang maximum tolerance at susudin ang pamantayang pandaigdig sa paghawak sa aksyong "Occupy Bangkok"at magsisikap sa abot ng makakaya para maiwasang maganap ang anumang sagupaan.