|
||||||||
|
||
Si Yang Houlan
Sa kanyang talumpati kahapon sa instituto ng pananaliksik ng Myanmar sa estratehiya at isyung pandaigdig, binigyang-diin ni Yang Houlan, Embahador ng Tsina sa Myanmar, na dapat palakasin ng Tsina at Myanmar ang pagkakaibigan at palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Yang na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling mainam ang tunguhin ng pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangang gaya ng pulitika, kabuhayan, militar, at kultura. Aniya pa, kasunod ng pagpapalalim ng pagbabagong pulitikal at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Myanmar, kinakaharap ng relasyon ng dalawang bansa ang maraming hamon, at ang mas maraming bagong pagkakataon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |