Natapos kagabi ang biyahe ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa apat na bansang Aprikano.
Sa 6-araw na biyaheng ito, dumalaw si Wang sa Ethiopia, Djibouti, Ghana, at Senegal. Kinatagpo siya ng mga lider at mataas na opisyal ng apat na bansang ito, at nagpalitan sila ng palagay hinggil sa bilateral na kooperasyon.
Ipinahayag ni Wang na patuloy na magbibigay-tulong at mamumuhunan ang Tsina sa mga bansang Aprikano. Binigyang-diin din niyang palagiang ipagtatanggol ng Tsina ang mga interes ng mga bansang Aprikano.