Ayon sa ulat kamakailan ng media ng Hapon, pinag-aaralan ngayon ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ng Hapon na isama sa guideline para sa paglalathala ng mga teksbuk ng junior at senior high school ang nilalamang umanong ang Diaoyu Islands ay likas na teritoryo ng Hapon.
Ayon sa media, bukod sa Diaoyu Islands, gusto rin ng nabanggit na ministri na idagdag ang nilalamang ang Takeshima Islands ay likas na teritoryo ng Hapon. Pero, ang soberanya ng Takeshima Islands ay kasalukuyang pinagtatalunan ng Hapon at Timog Korea, at tinatawag itong Dokdo Islands sa T.Korea.
Sa kasalukuyan, walang nilalaman hinggil sa Diaoyu Islands sa naturang guideline. Pagdating naman sa Takeshima o Dokdo Islands, ang sinabi ng guideline ay "magkakaiba ang paninindigan ang Hapon at T.Korea sa isyung ito."
Sinabi ng Japanese media na ang aksyong ito ng pamahalaang Hapones ay tiyak na magpapalala sa relasyon ng Hapon sa Tsina at T.Korea, at dapat maging maingat ang pamahalaang Hapones sa isyung ito.