Ipinahayag kahapon ni Abdel Fattah el-Sisi, unang Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Tanggulan ng Ehipto, na posible siyang tumakbo sa halalang pampanguluhan.
Winika ito ni Sisi sa isang pulong ng panig militar. Sinabi rin niyang ang mga paunang kondisyon para sa kanyang desisyon ay kahilingan ng mga mamamayan at awtorisasyon ng panig militar.
Si Sisi ay lider na militar ng Ehipto. Kamakailan, nagpahayag ang maraming organisasyong pansibilyan at puwersang pulitikal ng pagkatig sa kanyang pagtakbo sa halalang pampanguluhan.