Nagsagawa kahapon ng biglaang pagdalaw sa Iraq si Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations.
Sa isang magkasanib na preskon pagkaraan ng kanyang pakikipag-usap kay Nuri al-Maliki, Punong Ministro ng Iraq, binatikos ni Ban ang mga teroristikong atake sa bansa na nakatuon sa mga sibilyan. Nanawagan siya sa Pamahalaang Iraqi na imbestigahan ang pundamental na dahilan ng sagupaan sa pagitan ng hukbo ng Anbar Province at mga armadong militante at lutasin ito sa pamamagitan ng diyalogong pulitikal.
Ipinahayag naman ni Al-Maliki na ang sagupaan sa Anbar Province ay hindi isyung panloob ng Iraq, kaya, hindi makikipagtalastasan ang Pamahalaang Iraqi sa mga militante roon na umano'y may kaugnayan sa al-Qaida.
Salin: Jade