Sinabi kagabi ni Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran sa mass media na mula sa ika-20 ng buwang ito, ihihinto ng kanyang bansa ang produksyon ng enriched uranium na may puridad na 20% bilang kapalit ng pagpapaluwag ng sangsyon na isinasagawa ng mga bansang kanluranin sa Iran.
Ayon sa mass media, pagkaraan ng dalawang araw na pag-uusap, narating ang pagkakaisa nina Araqchi, Helga Schmid, asistente ni Catherine Ashton, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo at iba pang kinatawan ng mga may kinalamang bansa na sumang-ayong simulang isakatuparan ang first step ng Geneva Agreement na may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran.