Sa Beijing, binuksan dito kamakalawa ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa kanyang talumpati sa sesyon kahapon, binigyang-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na dapat palakasin ang inobasyon ng sistema at mekanismo ng paglaban sa korupsyon at garantiya sa sistema para mapanatili ang malaking puwersa sa pagpaparusa sa korupsyon.
Binigyan din ni Xi ng papuri ang natamong tagumpay sa paglaban sa korupsyon. Tinukoy pa niya na mahigpit pa rin ang kalagayan ng nasabing usapin.
Salin: Li Feng