![]( /mmsource/images/2014/01/15/eb0105f251f04fc39247cbec8f39e135.jpg)
Kahapon, ipinahayag ng Committee of the People's Complete Democratic System under the Constitutional Monarchy, paksyong kontra-gobyerno ng Thailand, na hindi nito isasara ang paliparan o ibang mahalagang sistema ng transportasyon, at Stock Exchange. Pero, patuloy na magpapataw ito ng presyur kay Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng Caretaker Government ng Thailand, para pilitin siya na magbibitiw sa tungkulin.
![]( /mmsource/images/2014/01/15/15904ec4173c42fd84022283c1b6526a.jpg)
Sa isang news briefing nang araw rin iyon, ipinahayag ni Akanat Promphan, Tagapagsalita ng naturang paksyon na ipagpapatuloy ang blokeyo hanggang bumigay ang Caretaker Government sa mga kahilingan ng paksyong ito na kinabibilangan ng pagbibitiw ng lahat ng miyembro ng Caretaker Government, pagsasagawa ng repormang pulitikal bago ang halalang pampanguluhan, at iba pa.
Salin:Sarah