Sa isang preskon kahapon, paulit-ulit na ipinahayag ni Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon na ipinagpapatuloy ng Gabinete ni Abe ang palagay ng mga dating Gabinete ng bansa hinggil sa isyung historikal, at hindi nito pinabulaanan ang "Tomiichi Murayama Statement" at "Kono Statement".
Tungkol dito, ipinahayag sa Beijing ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine ay talagang aksyong pulitikal at diplomatiko. Pinabulaanan aniya ng aktuwal na aksyon ni Abe ang diwa ng "Tomiichi Murayama Statement" at "Kono Statement."
Salin: Li Feng