|
||||||||
|
||
Ipininid kahapon sa Beijing ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Central Commission for Discipline Inspection ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Nilagom sa sesyon ang mga karanasan ng paglaban sa korupsyon noong nagdaang taon, at itinakda ang pangkalahatang plano hinggil sa naturang gawain sa taong ito. Bumigkas din ng talumpati sa sesyon si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng CPC at Pangulo ng Tsina. Sinabi niyang palalakasin pa sa taong ito ang paglaban sa korupsyon, sa pamamagitan ng pagrereporma sa sistema ng superbisyon, at pagpapahigpit ng parusa sa mga tiwaling opisyal.
Nagkober sa naturang sesyon ang mga dayuhang media.
Sinabi ng British Broadcasting Company (BBC) na sa sesyong ito, muling binigyang-diin ni Xi ang kanyang pagpapahalaga sa isyu ng korupsyon ng mga opisyal. Ayon pa sa BBC, tinukoy ni Xi na grabe ang mga epektong dulot ng isyu ng korupsyon at mahigpit ang kalagayan ng paglaban sa korupsyon; kaya, dapat palakasin pa ang paglutas sa isyung ito.
Sinabi naman ng Agence France-Presse (AFP) na tinukoy ni Xi na dapat magsagawa ng walang-hangganang kilusan ng paglaban sa korupsyon. Anang AFP, nagpapakita ito ng matigas na atityud at "zero tolerance" ni Xi sa isyu ng korupsyon.
Sinabi naman ng Lianhe Zaobao na nagbigay-diin si Xi sa pagiging pangmatagalan, masalimuot, at mahirap na paglaban sa korupsyon. Anito, hinihiling din ni Xi na dapat panatilihin ang malakas na presyur sa isyu ng korupsyon, at ipagpatuloy ang paglaban dito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |