Ayon sa pinakahuling estadistika ng adwana ng Tsina, noong isang taon, umabot sa mahigit 102.2 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa pagitan ng lalawigang Guangdong sa timog Tsina at mga bansang ASEAN. Ang halagang ito ay lumaki ng 10.7% kumpara sa noong taong 2012. Ang ASEAN ay naging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Guangdong.
Ayon pa rin sa estadistika, sa mga bansang ASEAN, ang Malaysia, Thailand, at Singapore ay unang tatlong may pinakamalaking kalakalan sa Guangdong.
Salin: Liu Kai