Sinabi kamakalawa ni Uichirio Niwa, Dating Embahador ng Hapon sa Tsina na nahinto na ang pagpapabuti at nagsimula nang umurong ang relasyong Sino-Hapones dahil sa pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang mga World War II class-A criminal.
Sabi ni Uichiro Niwa, noong isang taon, sinimulang bumuti ang pagpapalitang Sino-Hapones, at sa panahong dapat magsikap ang mga politiko para mapahigpit ang relasyon at mapalalim ang pag-uunawaang Sino-Hapones, inihinto ang mga ito ni Abe.
Sabi pa ni Uichiro Niwa, mahigpit ang pag-uugnayan ng pulitika at kabuhayan. Kung gustong tagumpay ng ang Abe Economics dapat mapanatili ang matatag na relasyon sa Tsina, Timog Korea, Estados Unidos at iba pang bansa. Grabeng naapektuhan ng pagbibigay-galang ni Abe sa Yasukuni Shrine ang kalakalan at pagpapalitan ng personahe sa pagitan ng Hapon at Tsina, tiyak na magdudulot ito ng negatibong epekto sa kabuhayan ng Hapon at dapat tumpak na pakitunguhan ni Abe ang resulta nito, dagdag pa ni Uichiro Niwa.