Ayon sa Thai media, hinagisan ng pampasabog kaninang tanghali sa Bangkok ng di pa nakikilalang tao ang isang grupo ng mga demonstrator na kontra sa pamahalaan ng Thailand at di-kukulangin sa 28 ang nasugatan.
Ayon sa ulat, sa panahong iyon, dumadaan sa rehiyong ito ang mga demonstrator na pinamumunuan ni Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyong kontra sa pamahalaan at pangkalahatang kalihim ng Peoples's Democratic Reform Committee (PDRC), pero, ligtas siya at lumisan na ng nasabing lugar habang inieskortan mga personaheng panseguridad.