"36 na milyong 4G device ang binabalak na ibenta ng China Telecom sa taong 2014." Ito ang ipinahayag kahapon ni Wang Xiaochu, Chairman of the Board ng China Telecom sa kanilang 2014 yearly meeting sa Terminal Industry Chain.
Ipinahayag ni Wang na pasusulungin sa bagong taon ng China Telecom ang 4G network, pangunahin na, sa malalaking kalunsuran; at ang 3G sa kanayunan.
Sinabi ni wang na kasalukuyang umaabot sa 55% ang proporsyon ng mga gumagamit ng 3G sa lahat ng kanilang 185 milyong users. Tinatayang aabot sa 32% ang proporsyon ng 3G at 4G sa taong 2015, dagdag pa niya.