Sa pahayagang Indian Express ng Indya na inilathala ngayong araw, ipinalabas ang isang artikulo ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina. Anang artikulo, malaki ang pagkakaiba ng atityud ng Hapon at Europa sa kasaysayan ng pananalakay.
Sa artikulong ito, sinabi ni Wang na paglipas na ng 68 taon sapul nang natapos ang World War II, ayaw pa rin ng Hapon na tumpak na pakitunguhan ang kasaysayan ng pananalakay. Ito aniya ay malaking pagkakaiba sa atityud ng Europa na lubos na ibinunyag at pinuna ang mga krimen ng Nazis. Dagdag ni Wang, mapanganib ang mga aksyon ng mga lider ng Hapon na gaya ng pagbibigay-galang sa Yasukuni Shrine, kung saan nakadambana ang 14 na Class-A criminals noong WWII. Aniya, kailangang magmamatyag ng komunidad ng daigdig sa naturang mga aksyon.