Dumating ngayong araw sa Tehran ang isang delegasyon ng International Atomic Energy Agency (IAEA). Tatalakayin nito at Iran ang hinggil sa pagpapatupad ng kasunduan sa unang yugto na narating ng Iran at anim na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya. Pormal na paiiralin ang kasunduang ito sa ika-20 ng buwang ito.
Nang araw ring iyon, sinabi naman ng tagapagsalita ng Atomic Energy Organization ng Iran na isasalaysay ng kanyang panig sa delegasyong ito ang mga gawain ng panig Iranyo sa pagsasakatuparan ng nabanggit na kasunduan. Dagdag pa niya, simula ika-20 ng buwang ito, dapat buong taimtim ding ipatupad ng mga bansang kanluranin ang kasunduang ito.