Ngayong araw ay ika-6 na araw ng "Bangkok shutdown," demonstrasyon laban sa Pamahalaan ng Thailand. Bagama't naganap kahapon ng hapon ang pagsabog na nakatuon sa mga demonstrador, patuloy na nagpakita ngayong araw si Suthep Thuagsuban, lider ng demonstrasyong ito, sa lugar na pinagdarausan ng demonstrasyon. Nanawagan din siya sa mga tao na lumahok sa demonstrasyon, para mapababa sa kapangyarihan ang pamahalaan.
Ang nabanggit na pagsabog ay ikinamatay ng isang demonstrador, at ikinasugat ng 39 na iba pa. Ini-iimbestigahan ng panig pulisya ng Thailand ang insidenteng ito.
Nang araw ring iyon, sa isang panayam ng mga dayuhang mamamahayag, inulit ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand na hindi siya magbibitiw sa tungkulin. Sinabi niyang ang demonstrasyon o kudeta ay hindi solusyon sa kasalukuyang pulitikal na krisis ng Thailand, at dapat magsagawa ng diyalogo ang iba't ibang panig para makita ang tamang solusyon. Dagdag pa niya, kung walang sagabal na maidaraos ang pambansang halalan sa ika-2 ng susunod na buwan, matatapos ang sagupaan.