Bilang tugon sa proposal kamakailan ni Pangulong Barack Obama ng Amerika hinggil sa pagrereporma sa programa ng pag-eespiya ng bansa, sinabi kamakalawa ni Steffen Seibert, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Alemanya na tumpak na aanalisahin ng kanyang bansa ang pananalitang ito ni Obama.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Aleman na sa loob ng teritoryo ng Alemanya, dapat igalang ang mga batas ng bansa. Kailangang sundin ang prinsipyong ito ng mga pinakamatalik na partner at kaalyado ng Alemanya na tulad ng Amerika, aniya pa.
Nitong nagdaang Biyernes, iminungkahi ni Obama na kailangang magsagawa ng pagbabago ang National Security Agency (NSA) sa programa ng pagmomonitor nito, para mapangalagaan ang privacy ng mga mamamayan ng ibang bansa. Iminungkahi rin niyang huwag i-monitor ang komunikasyon ng mga puno ng matatatalik na partner at kaalyado ng Amerika.
Salin: Jade