Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, sinabi nito na kung hindi bukas na tatanggapin ng Iran ang "Komunike ng Geneva" na narating noong 2012, dapat kanselahin ang imbitasyong ipinalabas ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa Iran tungkol sa paglahok sa pandaigdigang pulong hinggil sa isyu ng Syria.
Sa naturang pahayag, ipinahayag ng Amerika na sa mula't mula pa'y malinaw nitong kinakatigan ang komprehensibong pagpapatupad ng naturang komunike, ngunit hindi pa bukas na nagpahayag ang Iran ng pagtanggap dito.
Salin: Li Feng