Wala pang 24 na oras pagkaraang anyayahan ng UN ang Iran para lumahok sa gagawing ika-2 pandaigdig na pulong hinggil sa isyu ng Syria, binawi nito kahapon ang naturang paanyaya.
Ayon sa pahayag ng UN hinggil sa pangyayaring ito, noong una, nakipag-usap sa telepono si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa mataas na opisyal ng Iran, at ipinangako ng panig Iranyo na uunawain at kakatigan ang mga pundasyon ng pandaigdig na pulong hinggil sa isyu ng Syria na kinabibilangan ng Geneva communique na narating sa unang round ng pulong. Pero, sa isang opisyal na pahayag na ipinalabas kahapon, pinabulaanan ng Iran ang pagbibitiw nito ng naturang pangako. Kaugnay nito, nagpahayag ng kalungkutan si Ban, at ipinatalastas niyang hindi na isasali ang Iran sa nabanggit na pulong.
Kaugnay naman ng paanyaya ng UN sa Iran na lumahok sa ika-2 pandaigdig na pulong hinggil sa isyu ng Syria, nagpahayag ng pagtutol dito ang Amerika, Britanya, at Pransya. Sinabi ng pirmihang kinatawan ng Amerika sa UN, na hindi pa kuwalipikado ang Iran para lumahok sa naturang pulong.
Salin: Liu Kai