|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat kahapon ng Guangming Daily ng Tsina, itinaguyod kamakailan ng AVAAZ (isang Amerikanong website) ang isang aktibidad kung saan lumagda ng pangalan ang mga kalahok kung sila ay naniniwala o hindi sa isyung umano'y binabalaan ng Pamahalaang Tsino ang mga Tibetano na "aabusuhin o papatayin kung hindi nila isasabit ang Bandilang Tsino sa kanilang mga tahanan." Anang naturang pahayagan, isinagawa ng nasabing website ang may-malisyang pag-atake, at mapanlinlang na pagbabalita sa demokratikong reporma at usapin ng karapatang-pantao sa Tibet, Tsina.
Noong ika-26 ng Nobyembre ng 2013, ipinalabas ni Maxime Vivas, isang mamamahayag na Pranses na siya ring manunulat ng aklatan na "Not So 'Zen': The Hidden Side Of The Dalai Lama" ang isang bukas na liham sa website tungkol sa "isyu ng Tibet." Dito, pinabulaanan niya ang naturang aktibidad ng paglagda ng pangalan at may-kinalamang artikulo hinggil sa Tibet.
Sa naturang liham, tinukoy ni Vivas na ang layon ng nasabing aktibidad ay magdulot ng isa pang sagupaan na magreresulta sa kamatayan ng mga Tibetano. Hindi itatakwil nang magpakailanman ng Tsina ang Rehiyong Awtonomo ng Tibet.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |