Ipinahayag kahapon ni Yingluck Shinawatra, Punong Ministro ng caretaker government ng Thailand, na bagama't ipinaiiral nila ang state of emergency, hindi pa rin mapahihintulutan ang panig pulisya at militar na pigilin ang mga demonstrador.
Winika ito ni Shinawatra pagkaraan ng kanyang pakikipagtagpo sa mga pinuno ng panig militar. Aniya, paiiralin kapwa ng panig pulisya at militar ang maximum tolerance sa harap ng kasalukuyang demonstrasyon.
Dagdag pa niya, tutulungan din ng panig pulisya at militar ang lupong elektoral, para mapangalagaan ang kaayusan sa panahon ng gagawing pambansang halalan.
Salin: Liu Kai