Sa isang aktibidad ng taunang pulong ng 2014 Davos World Economic Forum (WEF), bumigkas kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ng talumpating pinamagatang "Bagong Pag-unlad ng Tsina, Bagong Pagkakataon ng Daigdig." Sinabi niya na ang bagong round ng reporma ng Tsina ay makakapagbigay ng pagkakataon para sa buong daigdig.
Ani Wang, salamat sa nasabing reporma, ang pag-unlad ng Tsina ay papasok sa bagong siglo. Ito aniya ay makakapagbigay ng malawak at positibong impluwensiya sa buong daigdig.
Salin: Li Feng