Ipinahayag kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mula noong Sabado, naganap ang maraming palitan ng putok sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sandatahang lakas na kontra-gobyerno, at AFP. Labing pitong (17) miyembro ng BIFF ang napatay, at walang naiulat na kasuwalti sa tropang pampamahalaan.
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, pagkaraang lagdaan ng Pamahalaang Pilipino at Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Sabado ang pinal na appendix ng Balangkas na Kasunduang Pangkapayapaan, pinagtipun-tipon ng BIFF, sangay ng MILF, ang sandatahang puwersa nito, at lumikha ng pambobomba sa North Cotabato. Pagkatapos nito, nagpalitan ng putok ang AFP at BIFF sa naturang probinsya at Maguindanao.
Salin: Li Feng