Kinumpirma kagabi ng pamahalaan ng Hong Kong Special Administrative Region (HKSAR) na natuklasan nito ang H7N9 bird flu virus sa chicken samples na inihahatid mula sa Shunde, Lalawigang Guangdong ng Tsina.
Ito ang kauna-unahang pagkakataong natuklasan ang H7N9 sa Hong Kong sapul nang kumalat ang H7N9 bird flu sa loob ng Tsina noong Marso ng taong nakalipas. Ipinatalastas ng pamahalaan ng HKSAR na mga 20 libong poultry ay papaslangin at ititigil ang lahat ng pagbebenta ng living poultry sa loob ng 21 araw.
salin:wle